BINUKO NG IMMIGRATION NA 13-ANYOS NG DUMATING SA PILIPINAS SI ALICE GUO  

Guo Hua Ping ba ang tunay na pangalan ni Alice Guo?

Ito ang tanong ni Senador Sherwin Gatchalian matapos madiskubre batay sa dokumentong ibinigay ng Board of Investment noong nagsumite ang pamilya Guo ng aplikasyon para sa Special Investors Resident Visa (SIRV) at sa Bureau of Immigration (BI).

Nabatid ng senador mula sa dokumento na pumasok sa Pilipinas si Alice Guo/Guo Hua Ping noong Enero 12, 2003 noong 13-taong gulang pa lamang ito.

“Alice Guo might be Guo Hua Ping who entered the Philippines on January 12, 2003 when she was 13 years old. Her real birth date is on Aug 31, 1990,” sabi ni Gatcha­lian sa ipinadalang statement sa Senate media.

“This is according to documents provided by the Board of Investments from the Guo family’s application for Special Investors Resident Visa (SIRV) and the Bureau of Immigration,” dagdag pa niya.

Nakasaad din sa dokumento na ang nakarehistrong ina ni Guo Hua Ping ay isang Lin Wen Yi, na nauna nang pinagdudahan ni Gatchalian bilang biological mother ni Mayor Guo.

“Guo Hua Ping’s registered mother under the SIRV is Lin Wen­ Yi,” ani Gatchalian.

Nauna nang nanindigan ni Mayor Guo sa Senado na isang Pinay ang kanyang ina na nag­ngangalang Amelia Leal na dati umanong katulong ng kanyang amang si Guo Jang Jong.

Matatandaan na hinamon ni Gatchalian si Mayor Guo na sumailalim ito sa DNA test kasabay ng hinihinalang ina nito na si Lin Wen Yi.

Subalit malabong na itong mangyari matapos mapag-alaman ni Gatchalian na lumabas na ng bansa ang ama nito at ang hinihinalang ina nito na si Lin Wen Yi.

ATTY EDNA B. DEL MORAL

Leave a comment