ITINALAGANG HEPE NG DAVAO REGION POLICE ANG DATING QCPD CHIEF NA SI GEN. NICOLAS TORRE III 

Itinalaga ang dating direktor ng Quezon City Police District na si Police Brig. Gen. Nicolas Torre III, bilang hepe ng Police Regional Office 11, sa nangyaring balasahan sa liderato matapos ang operasyon ng pagsisilbi ng arrest warrants laban kay Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy.

Sa panayam ng Teleradyo Serbisyo nitong Lunes, Hunyo 17, sinabi ni Torre na ituturing ng regional police si Quiboloy na katulad ng kung ano ang ginagawa nila sa mga mayroong outstanding warrants.

“The pastor is just one of the many with warrants of arrest dito sa Davao region,” ani Torre, sabay-sabing kabilang sa kanyang trabaho bilang regional police chief ay ang manhunt operation para sa lahat ng wanted persons.

“I’ll do my job fairly, I’ll do it with justice for all,” dagdag ni Torre.

Noong Hunyo 10, pumasok ang mga tauhan ng pulisya sa ari-arian ni Quiboloy sa Davao City para magsilbi ng warrant of arrest laban sa kanya.

Kasama sa operasyon ang mahigit 100 pulis na nagdulot ng tensyon sa mga tagasunod ni Quiboloy at ng KOJC na tinawag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na “overkill.”

Kabilang sa mga inalis sa serbisyo ang hepe ng PRO 11 at 12 iba pang pulis.

ARVIN SORIANO (Ll.B) – NEWS CONTRIBUTOR

Leave a comment