DINEDMA NI SEN. WIN GATCHALIAN NG TUMAWAG DAW ANG AMLC EXECUTIVE SA KANIYANG OPISINA PARA IPALIWANAG PAANO NAKALUSOT ANG P6B DIRTY MONEY

Dinedma lamang ng isang senador ang inisyatiba ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na magpaliwanag kung bakit nalusutan sila ng scam farm sa Bamban, Tarlac na nagpasok ng higit P6 bilyon para maitayo ang pasilidad sa naturang bayan.

Isiniwalat ni Sen. Sherwin Gatchalian na tumawag sa kanya ang isang opisyal ng AMLC at nais itong makausap hinggil sa isyu ng money laundering ng scam hub sa Tarlac na hindi natunugan ng ahensiya.

“Sa totoo lang itong executive director ng AMLC tumawag sa aming tanggapan at gusto makipag-usap at ipaliwanag kung ano ang nangyari pero ganu’n pa man, hindi ko masabi kung bakit hindi nila na-detect pero ang pinakaproblema dito ay nakalampas sa pagmamasid ng ating pamahalaan itong perang pumasok,” wika ni Gatchalian sa interview ng DWIZ.

Aniya, dahil walang alam ang AMLC kung paano nakapasok sa Pilipinas ang pinaniniwalaang dirty money na ginamit sa pagpapatayo ng scam hub, wala rin silang makuhang report sa ibang ahensiya ng gobyerno tungkol dito.

“Ito, ganito kalaki nakita naman natin sa YouTube at sa mga video ‘yung mga building at construction doon. Pero hindi natin alam anong bangko ang nakatanggap ng pera, sino ang nagbayad sa mga contractor o pagbibili ng construction equipment. Parang bula lang siya na nangyari,” himutok ng senador.

ARVIN SORIANO (Ll.B) – NEWS CONTRIBUTOR

Leave a comment