SINIBAK ANG WESCOM CHIEF NA SABIT SA BEIJING DEAL

Tinanggal na bilang chief ng Western Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Vice Admiral Alberto Carlos, matapos makaladkad sa ‘new model’ deal sa China.

Si Carlos ay pinalitan ni Rear Admiral Alfonso Torres Jr. bilang Wescom chief noong Mayo 6 matapos maghain ng leave ang una sa personal na dahilan.

Ang Wescom headquarter sa Puerto Princesa, Palawan ang siyang nakatoka sa pagdepensa ng western seaboard ng Pilipinas.

Nauna rito, isang opisyal ng Chinese Embassy sa Maynila ang nagsabing mayroon silang recorded phone conversation kay Carlos hinggil sa ‘new model’ arrangement para ma-manage ang sitwasyon sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Itinanggi na ng National Security Council, Department of National Defense at AFP na nakipagkasundo sila sa China.

Iginiit pa ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na palayasin sa bansa ang Chinese diplomat dahil sa ilegal na wiretapping.

ANGHEL MIDRERO – HN NEWS CORRESPONDENT

Leave a comment