INIHAYAG NI SAM MILBY NA MAYRON SIYANG TYPE 2 DIABETES

Ibinunyag ng aktor na si Sam Milby na mayroon siyang Type 2 diabetes.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Sam ang ;arawan ng kanyang blood sugar glucose test kit na may nakasulat na “525 mg/dL.”

“I’ve always thought of myself as a healthy person. I don’t have a sweet tooth, bihira din mag junk food, pero last year I found out na may type 2 diabetes na ako,” aniya sa kanyang caption.

“My parents and grandparents never had it. I just wish I got checked up earlier nung pre diabetes pa. My advice – don’t ignore the symptoms (my main symptoms – always thirsty and urinating often) and get checked up regularly.” aniya pa.

Sinabi ng “Everyday Health”, kung ang sugar sa dugo ay umabot sa 500 mg/dL (milligrams per deciliter), ang tao ay maaaring makaranas ng mga sintomas tulad ng pagkauhaw, madalasang pag-ihi, pagbaba ng timbang, mababang enerhiya at pag-aantok.

Napuno naman ng concern ang mga netizen sa kalagayan ni Sam.

BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR

Leave a comment