NANINDIGAN SA SENADO ANG SUNDALONG NAPUTOL ANG DALIRI NA SINADYA NG MGA CHINESE COAST GUARD ANG KARAHASAN SA AYUNGIN SHOAL  

Isinalaysay ni Philippine Navy personnel Jefferey Facundo sa pagdinig Senate Committee on Foreign Relations ang naganap na matinding pangha-harass sa kanila ng China Coast Guard (CCG) sa Ayungin Shoal noong Hunyo 17, 2024.

Si Facundo ang naputulan ng daliri sa naturang insidente matapos ang ginawang karahasan sa kanila ng CCG.

Dito nanindigan si Facundo na intentional o sinadya ng mga Chinese Coast Guard na armado ng bladed weapons na may palakol pa ang pagbangga, paninira, pagbutas sa inflatable boat ng Philippine Navy at pagharang na makasampa sila sa BRP Sierra Madre.

Sa naturang pagdinig nilinaw naman ni Facundo na pito ang armas nila ang kinuha ng China coast Guard.

Samantala, iginiit naman sa pagdinig ni Defense Sec. Gilbert Teodoro na hindi ‘misunderstanding’ o aksidente kundi deliberate, aggressive at illegal action ang ginawa ng China laban sa ating tropa sa Ayungin Shoal.

HAZEL HEDI – HN INVESTIGATIVE REPORTER

Leave a comment