MUDOS NG KAWATAN NA MOTORCYCLE TAXI RIDER ANG IBU-BOOK ANG SARILI BAGO MANGHABLOT NG BAG

Naaresto ng San Juan City Police ang dalawang suspek sa panghahablot ng bag sa Barangay Addition Hills nitong Huwebes, Hunyo 20.

Sa Sampaloc, Maynila natunton ng mga pulis ang mga suspek nang mambiktima ulit sa lugar noong Miyerkoles. Nang maaresto, kinumpirma ng biktimang si Agnes Wang na ang mga suspek ang bumiktima sa kanya.

“Nitong Huwebes mayroong reported incident na same modus, riding in tandem, hablot, nag-report dito victim at nag-follow din kami. So nung nag-backtracking kami sa dinaanan nila base rin sa witness, sinundan namin ‘yung way… nakaabot kami ng Sampaloc,” sabi ni Colonel Francis Allan Reglos, hepe ng San Juan City Police.

“Inamin nila na si ‘yung kay Miss Wang, positively identified din ni Miss Wang ‘yung vehicle na ginamit… Pati suspek may pagkakilanlan siyang natandaan,” dagdag ni Reglos. “Ito po mismo ‘yung ginamit nilang motor… ‘yung gold na heat guard po… at ‘yung brand po ng motor pati ‘yung bonus na word po. Very identifiable po pati yung cellphone holder na naka-attach sa elongated na mirror… ‘Yung kumuha po ng bag mismo siya po ‘yung maliit po mata, medyo maamo po, nakita po namin picture at nakita namin sila, sila nga po.”

Dagdag ng San Juan Police, mga lehitimong miyembro ng motorcycle taxi ang mga suspek at modus ng mga ito na i-book ang sarili para lumabas na may biyahe sa lugar kungsaan sila mambiktima.

“Yung rider is a legitimate member ng ride hailing app, backride same din kabilang ride hailing app. Pero ‘yan ang talagang modus nila, ‘yan ang palabas nila… Nagbigay ng confirmation na sila lang ang naka-book sa area na yun, binook nila sarili nila para lumabas sa management nung app na umiikot sila dun,” sabi ni Reglos.

Nakikipagtulungan naman ang motorcycle taxi company sa PNP.

ATTY EDNA DEL MORAL

Leave a comment