NAHARANG SA DAVAO INTERNATIONAL AIRPORT NG PAOCC ANG POGO MANAGER NG PORAC NANG MAGTANGKANG TUMAKAS SA PINAS

Naharang ng mga awtoridad ang manager ng ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga na nagtangka sanang umalis ng bansa, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) nitong Lunes, Hunyo 24.

Ayon kay PAOCC spokesperson Dr. Winston Casio, ang manager, na isa sa mga persons of interest sa POGO hub, ay na-offload nitong Linggo sa Davao.

“Totoo po ‘yan na medyo nagkaroon na ng chilling effect. In fact, kahapon, may nahuli kami diyan sa Davao. May nahuli kami sa Davao na isang manager na galing diyan sa Porac,” pahayag ni Casio sa panayam ng isang radio station.

“Napa-offload po namin siya sa Immigration kahapon, palabas po siya ng bansa. Eh kaya lang, syempre meron nang mga naka-alert, no, sa mga pangalang binabantayan namin,” dagdag pa niya.

Ani Casio, dadalhin ng mga awtoridad ang manager pabalik ng Manila ngayong araw.

ATTY EDNA B. DEL MORAL

Leave a comment