PORMAL NANG KINASUHAN ANG SUSPENDED BAMBAN MAYOR ALICE GUO AT IBA PA NG HUMAN TRAFFICKING 

Naghain ang mga awtoridad nitong Biyernes ng reklamo laban kay suspended Bamban Mayor Alice Guo at iba pa sa umano’y human trafficking kaugnay ng sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa kanyang munisipalidad.

Sa reklamong ikinasa sa Department of Justice (DOJ), kinasuhan sina Guo, dating Technology and Livelihood Resource Center (TLRC) deputy director general Dennis Cunanan, at 12 opisyal at incorporators ng paglabag sa Sections 4 at 6 ng Republic Act (RA) 9208 o ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 as amended by RA 10364, as further amended by RA 11862.

Kabilang sa respondents ang umano’y business partner ni Guo na si Huang Zhiyang, isang pugante sa China, at Zhang Ruijin at Baoying Li, dalawang indibidwal na sangkot sa pinakamalaking money laundering case sa Singapore.

Tinukoy din si Guo bilang “a.k.a Guo Hua Ping” sa reklamo.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang mga kampo nina Guo at Cunanan.

 Ang complainants ay ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

“Lumabas na mga ebidensya dito tulad ng fact na siya ang nag apply doon sa dating [letter of no objection] from the local government. Lumabas din ang kanyang involvement doon sa lesser company,” pahayag ni Inter-Agency Council Against Trafficking chairperson at Justice Undersecretary Nicky Ty sa isang briefing.

“At kasama rin yung ibang ebidensya diyan katulad nung pangalan niya na lumulutang sa mga sabi-sabing document na nahanap sa POGO compound,” dagdag niya.

Samantala, inihayag ni Prosecutor Benjamin Samson na naniniwala ang mga awtoridad na bahagi si Cunanan ng isang “grand conspiracy.”

“We discovered that the Zun Yuan operation actually started with one corporation which was Baofu, and then another corporation was created. All these three corporations, we believe that they are part of a grand conspiracy to commit labor trafficking,” wika ni Samson.

“In one of the corporations, we found a document wherein the name of Mr. Dennis Cunanan appeared. After piecing together the pieces of evidence, we concluded and we decided that he is part of the grand conspiracy to commit labor trafficking,” patuloy niya.

Matatandaang inilahad ni Senator Risa Hontiveros ang mga dokumentong nagpapakita na nagpakilala si Cunanan bilang “authorized representative” para  Hong Sheng POGO sa Bamban at sa Lucky South POGO sa Porac.

Ayon kay Ty, pinoproseso na ng DOJ ang Immigration Lookout Bulletin laban kay Guo, na maaaring ipalabas sa susunod na linggo.

“Hindi naman natin matatanggi na kahit sinong makasuhan ng kriminal ay may flight risk, lalo na kung may resources ito mangibang bansa. Ngunit ito naman kay Mayor Guo, hopefully, no hindi naman siya lilipad dahil siya mismo at ang kanyang mga representatives ang nag sabi na nais niyang harapin ang mga alegasyon laban sa kanya,” anang opisyal.

Bukod dito, hindi maaaring bumiyahe si Guo nang walang travel authority bilang isang public official.

Sinabi ni Ty na “there is a possibility” na maaari pang magsampa ng ibang kaso laban kay Guo at iba pa.

Isinailalim si Guo sa imbestigasyon dahil sa umano’y kaugnayan nito sa 10-hectare POGO compound na sinalakay noong Marso dahil sa umano’y ilegal na aktibidad kabilang ang crypto at love scams.

Nitong Hunyo, naghain ang Department of the Interior and Local Government ng graft charges laban kay Guo kung saan sinunspinde siya ng Office of the Ombudsman hanggang anim na buwan.

Kinukuwestiyon din sa Senado ang tunay na katauhan ni Guo.

Samantala, sinabi ni CIDG chief Leo Francisco na pinaiigting nila ang laban sa illegal POGOs dahil sa standing orders mula kina Executive Secretary Lucas Bersamin, Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, at Defense Secretary Gilbert Teodoro.

“We are intensifying our fight against illegal POGO and the PNP is one with this fight, especially the PNP-CIDG. And with this, we are very happy because we have enough collaboration with the IACAT and because of this DC. 20, I think the cases against these individuals are strong enough to stand in court,” aniya.

MICHAEL DINGLASAN – HN INVESTIGATIVE REPORTER

Leave a comment