MAY SARILING BOOKIES NG MGA ILIGAL NA SUGALAN ANG ISANG PNP COLONEL SA BATANGAS

Pinaimbestigahan sa Kampo Krame ang isang kernel sa Batangas City dahil umano sa pagiging pasimuno nito sa iligal na sugal sa halos buong Calabarzon.

Sa sumbong na ipinarating sa punong himpilan ng kapulisan sa Quezon City, sinabing hindi lang umano protektor ng mga iligalista ang naturang police colonel kundi siya mismo ay may sariling bookies ng mga ipinagbabawal na sugal, kagaya ng jueteng.

“Ang paglaganap ng iligal na sugal sa halos buong rehiyon ng Calabarzon, katulad ng jueteng, lotto at small town lottery bookies, at iba pa, ay natitiyak naming hindi mangyayari kung naging tapat lang si kernel at ang ikanyang mga tauhan sa kanilang sinumpaang tungkulin,” pahayag ng nagsusumbong na konsehal ng Lipa City, na nakiusap na itago ang kanyang pagkakakilanlan para sa kanyang kaligtasan.

Kinilala ng nagsumbong na konsehal ang nasabing opisyal ng PNP na isang alyas kernel RISU, na ipinagyayabang ng mga iligalista sa buong Batangas na kumikita ng isang milyon-pisong arawang kubransa mula sa kanyang sariling iligal na bookies.

Si kernel RISU ay bantog sa erya ng Lipa dahil kinikilala umano ito bilang natatanging hari o supremo ng mga iligalista sa buong Batangas.

“Hindi siya pinakikialaman ng kanyang mga bossing sa regional headquarters ng kapulisan ng Calabarzon dahil sa ipinagyabang ng kanyang mga tauhan na kanyang koneksyon sa nakaupong PNP chief na si Gen. Rommel Marbil.

Pero iginigiit naman ng opisina ng hepe ng buong kapulisan sa Kampo Krame na walang katotohanan ang ipinamamalita ng mga iligalista na may pagkonsente si Gen. Marbil, hindi lang sa sinasabing supremo ng iligalista sa Batangas, kundi sa lahat na miyembro ng kapulisan na may gawaing tiwali o iligal.

MICHAEL DINGLASAN – HN INVESTIGATIVE REPORTER

Leave a comment