ARESTADO ANG 6 BINATA, 2 DALAGA SA BUY-BUST NG P1.5M SHABU SA BULACAN

Arestado ang walong indibiduwal matapos umanong mahulihan ng P1,564,000.00 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng San Jose Del Monte. (SJDM).

Kinilala ang mga suspek na sina Shahid Bala, 24, Samim Bala, 18, Rodrigo Gonzales, 51, John Johnson Rago, 19, Jao Dela Cruz, 26, John Mark Quisto, 23, Jelly Pepito, 56 at Annaliza Lambino, 51 kapwa residente ng nasabing lungsod.

Sa report ng SJDM police station kay P/Lt. Col. Jacquiline Puapo, officer-in-charge, Bulacan police, naganap ang operasyon bandang 1:00 ng madaling araw nitong Hunyo 19 sa Zone 1, Capiili Compound, Brgy. Graceville.

Sinasabing nakumpiska sa operasyon ang 11 sachets na pinaghihinalaang shabu na tumimbang ng 230 grams, may standard drug price na P1,564,000.00, belt bag at marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya.

BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR

Leave a comment