INIINTRIGANG NAGLILIHI SI ANNE CURTIS SA DUHAT AT MANGGA?  

May post si Anne Curtis about duhat and mangoes kaya aakalain ng ibang netizen ay naglilihi umano ito.

“I’m DUHAT — hot damn. Sana all may mangga and duhat sa bakuran — edit: ANG TANONG, if sa kapit bahay nyo ung puno pero ung sanga asa inyo? Sino may ari nung prutas?”

“Parang hindi si Anne yung nagpost hahahaha,” ani ng may handle na @kimmmmm

Sagot naman ng mommy ni Dahlia, “@kimmmm BAKIT BA?!!! porket hindi fashoywn? I’m immersed ok! Oh diba! Hahahaha”

“Okay sis, ikaw na to!!! Inimersed na ko e hahahaha”

May komento din ang aktres na si @agotisidro, “yung sanga sa kanila, kapag nahulog ang prutas sa bakuran mo, that is yours. Legally bawal pumitas, hintayin mahilog. Hahaha, btw may duhat ako sa bakuran”

Confusing naman ang sagot ng isang netizen, “@annecurtissmith may kapatid na si Dahlia?”

Napa-smiley face si Jericho Rosales sa kanyang komento.

Tuloy ang isang netizen ay nag-assume na baka naglilihi umano ang TV host kaya nasabi niyang ‘may kapatid na si Dahlia.’

Bigyan na lang natin ng benefit of the doubt si Anne.

Natakam lang siguro siya nang makita ang bunga ng duhat at mangga sa kanilang bakuran.

MARU BOK – SHOWBIZ NEWS CONTRIBUTOR

Leave a comment