NAARESTO NG MGA AWTORIDAD ANG PUGANTENG SOUTH KOREAN SA CEBU CITY  

Inaresto ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) ang sinasabing puganteng Koreano na wanted umano dahil sa financial fraud.

Kinilala ang inarestong South Korean national na si You Hyun Tea, 53-anyos, sa kanyang tinitirhan sa Cordova, Cebu. Sangkot umano si You sa pagpapatakbo ng ilegal na online sports gambling, kung saan kumita umano ito mula sa mga biktima ng humigit-kumulang sa $80,000.

Noong 2021 pa ay may umiiral nang deportation order para kay You dahil sa nakabinbin nitong kaso sa South Korea at ilegal na paninirahan sa Pilipinas sa loob ng 21 taon.

Kasalukuyan nang nakadetine sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City si You habang naghihintay ng kanyang deportation.

BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR

Leave a comment