“Tapos na ang UniTeam!- VP SARA DUTERTE

Tuluyan nang tinuldukan ni Vice President Sara Duterte ang espekulasyon kung mananatili ito sa UniTeam ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Duterte, ginawa lang naman ang UniTeam dahil sa tambalan nila ni Pangulong Marcos noong 2022 elections kung saan pareho silang nahalal.

“Ang UniTeam was the tandem during the 2022 elections, tandem of Bongbong, Sara during 2022 elections and then human (tapos) na ang elections nadaog na mi (nanalo na ako) and nagapasalamat mi sa atoang mga kaigsuunan sa ating kababayan sa kanilang suporta sa tandem noong 2022,” wika ng bise presidente matapos ang wreath laying event sa Rizal Park sa Davao City bilang bahagi ng Independence Day celebration nitong Miyerkoles.

“We are not candidates anymore,” diin pa niya.

Noong nakaraang buwan, sinabi ni Pangulong Marcos na sisikapin niyang buhayin muli ang UniTeam upang magamit sa 2025 elections.

Sinabi ito ng Pangulo sa gitna ng pirmahan ng alyansa ng Lakas-CMD ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ni Marcos.

“If we stay united, if we look at the successes and the progress that we have made in the past two years, I am confident that if we maintain that unity, not only for election purposes, but all throughout the work of service that we have taken an oath to do for our people, if we continue to do that, then we will continue to be met with success, we will continue to be met with the progress that we dream of,” paliwanag ni Marcos sa kanyang talumpati.

“Kagaya ng ating ginawa sa nakaraang halalan ay bubuuin ulit natin. We have to formalize it, kasi may political cycle so bubuoin ulit natin, i-formalize natin and UniTeam,” dagdag ni Marcos.

BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR

Leave a comment