NAGPAALALA SI MANILA MAYOR HONEY LACUNA SA MGA RESIDENTE NA UMIIRAL PA RIN ANG CURFEW SA MGA MINORS 

Nagpaalala si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng residente ng lungsod na patuloy na umiiral ang curfew sa mga minors sa kabisera ng bansa.

Ang paalala ay ipinalabas ng alkalde matapos na mabatid na patuloy na maraming minors ang nadadampot sa kalye alinsunod sa Manila City Ordinance No. 8692, na ipinasa sa Manila City Council sa layuning iiwas ang mga menor de edad sa panganib na naglipana kapag dis oras na ng gabi. Kasama na rito ang riots na nagaganap sa pagitan ng mga kabataan.

Nanawagan ang lady mayor sa mga parents at guardians na istriktong obserbahan ang ordinansa dahil aniya sa ang Manila Police District (MPD) sa pamumuno ni Gen. Arnold Thomas Ibay ay mahigpit na nagpapatupad nito.

Hiniling din ni Lacuna sa mga barangay authorities na patuloy na paalalahanan ang kanilang nasasakupan sa umiiral na curfew ordinance dahil sila mismo (barangay officials) ay inatasan na magpatupad nito.

Ayon kay Lacuna, base na rin sa ulat ni Ibay, may mga residente na tila yata nakalimot na may umiiral na curfew ordinance kung saan sakop ang mga kabataan na nare- rescue sa kalye.

Sa ilalim ng curfew ordinance, pinagbabawalan ang mga minors na gumala sa kalye mula 10 p.m. hanggang 4 a.m.

Ang paglabag sa ordinansa ay may kaakibat na P5,000 multa, pagkakakulong o isang buwang pagkakakulong o pareho.

Ipinaliwanag ni Lacuna na sa ilalim ng curfew ordinance, ang parents o guardians ng minor na involved ang siyang mape- penalized kapag tatlong beses ng nahuli ang minor.

“Pag tatlong beses na po naming nare-rescue ang inyo pong anak o apo, sa pang-apat po ang mape-penalize na po ay ang parent o guardian,” pagbibigay diin ni Lacuna.

HAZEL HEDI – HN INVESTIGATIVE REPORTER

Leave a comment