“Dapat na maging handa ang Pinas laban sa external threat”– PBBM

Dapat na maging handa ang Pilipinas sa gitna ng napaulat na external threats bilang resulta ng umigting na geopolitical tension sa Indo-Pacific.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng 5th ID ng Philippine Army sa Camp Melchor dela Cruz sa Gamu, Isabela, ang distansiya ng Pilipinas sa Taiwan ang naglagay sa ‘area of interest’ ng Tsina kaya mahalaga na ang hilagang bahagi ng Pilipinas ay “well-prepared’ para sa anumang kaganapan.

“And that is why — the external threat now has become more pronounced, has become more worrisome. And that is why we have to prepare,” ang sinabi ng Pangulo sa mga miyembro ng 5th ID.

“So, that is the mission that you have before you. Now, you have two missions, whereas before it was only internal security,” dagdag na wika nito sabay sabing “while the Philippines isn’t taking territory, its leadership has to reorient its thinking and must adopt full commitment to defend the country’s territory.”

Bukod pa sa, kailangan din ng pamahalaan na maugnay sa iba’t ibang pagsisikap para mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon gaya ng sa pamamagitan ng diplomasiya.

“We are not trying to take territory. We are not trying to redraw the lines of sovereign territory, the EEZ, the baseline,” aniya pa rin.

“Hindi natin binabago anything na kahit isang — not even one inch. Ngunit hindi tayo puwedeng pumayag na kukunin naman ‘yan sa atin.” ayon sa Punong Ehekutibo.

At dahil sa nagbabagong geopolitical landscape at paglutang ng mga bagong pagbabanta, nagdesisyon ang gobyerno na isama ang Cagayan bilang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Estados Unidos, pinakamalapit na military ally.

Sa kabilang dako, tinuran pa ni Pangulong Marcos, kabilang sa 5th ID’s mission ay ang territorial defense mula sa external threats, binigyang-diin nito ang kahalagahan na bigyan ang AFP ng equipment, pagsasanay, at pasilidad upang maging ‘highly capable force’ ito.

Sakop ng Joint Task Force (JTF) Tala ang bahagi ng Ilocos at Cagayan Valley regions at ang buong Cordillera Administrative Region, pangangasiwaan ang 501st, 502nd, at 503rd Infantry Brigades, Joint Task Group Baguio, Philippine Air Force (PAF) Tactical Operations Group 1, at ang Tactical Operations Group 2.

Kabilang naman sa kasalukuyang domestic security threats ay ang Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC) at Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KRCV) groups.

Matatandaang, idineklara naman noong October 10, 2022 na insurgency-free ang lalawigan ng Quirino at ang Nueva Vizcaya noong December 18, 2023, at maging ang ibang bahagi ng Isabela (Ilagan City at ilang munisipalidad).

Nalansag naman ng government forces ang apat na communist terrorist group (CTG) operating units: dalawang KRCV (September 2022); isang KRCV at isang Komiteng Larangan Guerilla-ICRC noong Disyembre ng nakaraang taon.

MICHAEL DINGLASAN – HN INVESTIGATIVE REPORTER

Leave a comment