NAGBABALA ANG QC HEALTH DEPARTMENT SA MGA RESIDENTE NG QUEZON CITY SA PAGLOBO NG DENGUE CASES!

Inalerto ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang kanilang constituents sa posibleng pagtaas ng kaso ng dengue sa lungsod ngayong pumasok na ang panahon ng tag-ulan.

Kaugnay nito, nagpatupad na ng “Dengue Surveillance and Update on Prevention and Control Program” ang Quezon City Health Department.

Kamakailan, nagpulong ang Quezon City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD) kasama ang mga District Health Officers, Dengue Program Coordinator, Sanitation Inspectors, at mga Disease Surveillance Officer ng iba pang distrito.

Kanilang tinalakay ang mga prevention strategies na maaaring gawin sa ibang barangay para makontrol ang nasabing sakit.

ANGHEL MIDRERO – NEWS CONTRIBUTOR

Leave a comment